Bed-ridden seniors, PWDs pinapasama sa unconditional cash transfer

Senator Imee Marcos on February 13, 2024.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senador Imee Marcos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na palawakin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang maisama sa unconditional cash transfers ang mga bed-ridden senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Dininig na ng Senado ang mga panukalang nagmumungkahi ng mga pagbabago sa “4Ps Act (Republic Act 11310)” at ang institusyonalisasyon ng Assistance to Individuals in Crisis Mga Sitwasyon (AICS).

“Mayaman na nga ang Pilipinas at umaasenso sa ekonomiya pero marami pa ring Pilipinong naiiwan. Kaya ito na tinitignan natin ‘yung 4Ps kung paanong palalaganapin kasi mayroong nakakalimutan o napag-iiwanan katulad ng bed-ridden seniors at ‘yung mga severely challenged na PWD,” ani Marcos.

“Matagal ko nang sinasabi, huwag nang gawing conditional cash transfer—unconditional na ‘yan at ‘yan ay utos ng ating Panginoon, nasa Bibliya ‘yan, pangalagaan na lang ‘yung matatanda at ‘yung may kapansanan na hindi nakakapagtrabaho,” dagdag ni Marcos.

Buhat nang simulan ang programa noong 2007, limitado ang 4Ps sa health, vaccination, at education.

Show comments