Marcos nanawagan ng pagtitipid sa kuryente

President Ferdinand Marcos Jr. on March 18, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Ang panawagan ng Pangulo ay ginawa matapos na ilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red at yellow alert status ang Luzon power Grid.

Ipinag-utos na rin ng punong ehekutibo sa Department of Energy (DOE) na mahigpit na imonitor at makipag-ugnayan sa stakeholders na tugunan ang sitwasyon sa supply ng kuryente.

Maging ang lahat ng ahensiya ng gobyerno ay inatasan ni Pangulong Marcos na magtakda ng standards sa paggamit ng enerhiya, kasabay nito ang panawagan sa publiko na magtipid din sa pagamit ng kuryente.

“At this time, it is crucial that we all work together to ensure a stable power supply for the next couple of days. Let’s adopt energy-efficient practices and stand together to overcome this challenge,”ayon pa kay pangulong Marcos.

Ayon sa NGCP na ang yellow alert status ay iniisyu kapag ang operating margin ay hindi sapat para matugunan ang transmission grid contingency requirement, habang ang red alert status naman ay inilalabas kapag ang power supply ay hindi sapat para tugunan ang pangangailangan ng consumer at ang regulating requirement ng transmission grid.

Show comments