^

Bansa

4 Pinoy seamen lulan ng barko na hinuli ng Iran – DMW

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 Pinoy seamen lulan ng barko na hinuli ng Iran � DMW
Nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa Department of Foreign Affairs (DFA), licensed manning agency at maging sa ship manager at operator upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan, gayundin ang agarang pagpapalaya sa mga tripulanteng Pinoy.
DFA FB Page

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na kabilang ang apat na Filipino seafarers sa mga tripulanteng lulan ng barkong hinuli ng mga Iranian authorities.

Hindi pa naman tinukoy ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac ang pagkakakilanlan ng mga Pinoy seamen na lulan ng container ship na MSC Aries.

Tiniyak naman ni Cacdac na alinsunod sa direktiba ng Pangulo, nakikipag-ugnayan na sila sa mga pamilya ng mga naturang seafarers at sinigurong pagkakalooban ang mga ito ng full government support at assistance.

Nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa Department of Foreign Affairs (DFA), licensed manning agency at maging sa ship manager at operator upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan, gayundin ang agarang pagpapalaya sa mga tripulanteng Pinoy.

Batay sa ulat ng Iran state-run IRNA news agency, isang Islamic Revolutionary Guard Corps helicopter ang sumakay sa Portuguese-flagged MSC Aries at dinala ito sa Iranian waters noong Sabado.

Kinumpirma naman umano ng MSC, na siyang nag-o-operate sa Aries, na ang Iran ang humuli sa barko.

vuukle comment

DMW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with