^

Bansa

162nd Malasakit Center, binuksan sa First Misamis Oriental General Hospital

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na dinaluhan ni Senator Christopher “Bong” Go, ama ng Malasakit Centers program at chairperson ng Senate committee on health and demography, ang pagbubukas ng ika-162 Malasakit Center sa First Misamis Oriental General Hospital sa Medina, Misamis Oriental.

Ang pagbubukas ng Malasakit Centers ay layong mailapit ang pagbibigay ng tulong- medikal ng gobyerno, lalo sa mga mahihirap na Pilipino.  Sa kasalukuyan, mayroon nang 90 Malasakit Centers sa Luzon, 30 sa Visayas, at 42 sa Mindanao.

Sa kanyang talumpati, ginunita ni Sen. Go ang pagsisimula ng Malasakit Centers program noong 2018, hango sa mga hamon na kanyang naobserbahan sa mga mahihirap na naghahanap ng tulong medikal ng gob­yerno. Pinasimple rin ng inisyatibang ito ang paraan ng pagkuha ng tulong-medikal nang hindi na kinakailangan ng mahabang paglalakbay at oras ng paghihintay.

“Basta Pilipino ka, poor and indigent patient ka, qualified ka sa Malasakit Center. Lapitan niyo lang po ang Malasakit Center diyan po sa inyong lugar at tutulungan po kayo sa inyong hospital billing,” ang himok ng mambabatas.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with