Pangulong Marcos bumiyahe na pa-US
3 opisyal itinalagang caretaker
MANILA, Philippines — Hindi tulad ng nakagawian, tatlong opisyal nggobyerno ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na caretaker ng bansa habang nasa foreign trip siya.
Nabatid na maliban kay Vice President Sara Duterte, itinalaga rin bilang caretaker si Executive Secretary Lucas Bersamin at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.
Si Pangulong Marcos ay tumulak kahapon patungong Estados Unidos para sa trilateral meeting kina US Pres. Joe Biden at Japanese Prime Minister Kishida Fumio hanggang sa Abril 16.
Inaasahan na magiging highlights ng meeting ang economic, defense at maritime cooperation ng dalawang bansa.
“It is a historic meeting with U.S. President Joe Biden and Japanese Prime Minister Kishida Fumio and it is aimed at advancing trilateral cooperation between our three countries, which have long enjoyed warm and friendly relations, and robust cooperation,” ayon kay President Marcos sa kanyang departure speech.
Ang kanyang pagbisita ay magpapatibay sa nakaraang pagpupulong sa pagitan nila Kishida at US Vice President Kamala Harris noong Setyembre sa Jakarta, Indonesia, gayundin sa trilateral meetings na ginawa ng foreign ministers at ng national security advisers ng tatlong bansa noong nakaraang taon.
- Latest