MANILA, Philippines — Mas mabigat na parusang aabot sa 12 taong pagkakakulong ang naghihintay sa mga taong masasangkot sa mga insidente ng road rage.
Sa panukalang “Anti-Road Rage Act” na ang sinumang sangkot sa road rage, na nagresulta sa kamatayan ay ikukulong ng anim hanggang 12 taon at multang hindi bababa sa P250,000 ngunit hindi hihigit sa P500,000.
“We will not condone road rage in our streets. We are all aware that the consequences of road rage are dire, often resulting in altercations, property damages, assaults, and collisions that cause physical injuries even death,” saad ni House Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo sa deliberasyon ng House Bill No.8991.
Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), malaking bahagi ng 72,000 na aksidente sa kalsada na nangyari sa Metro Manila noong 2022 ay kaugnay ng road rage.
“Despite all these, there is no existing legislation that imposes penalties on those who exhibit road rage,” ani Tulfo.
Naghain naman si Davao de Oro 2nd District Rep. Ruwel Peter Gonzaga ng katulad na panukala, ang House Bill 9140 na nagrerekomenda na sa mga kaso na nagresulta sa kamatayan, ang parusa ay pagkakakulong ng hanggang 20 taon o Reclusion Temporal.