Paninigarilyo at pagluluto pangunahing dahilan ng sunog
MANILA, Philippines — Inihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nangungunang dahilan ng sunog sa bansa ngayong 1st quarter ng taon ang paninigarilyo at pagluluto.
Batay sa datos ng BFP mula Enero 1 hanggang kahapon Marso 1, nasa 3,034 insidente na ng sunog ang naitala kumpara sa 2,888 noong 2023.
Sa nasabing bilang, 191 ang naitalang sunog dahil sa mga nakasinding, tabako at mga pipa habang nasa 155 naman ang kaso dahil sa pagluluto gamit ang LPG at panggatong.
Sinundan naman ito ng electrical ignition dahil
sa arcing, 144; electrical ignition dahil sa loose connection,97 at electrical ignition dahil sa overloading, 62 cases
Ayon sa BFP, nasa 69 ang naitalang namatay habang 213 naman ang naiulat na nasaktan dahil sa sunog na karamihan ay residential areas.
Karamihan naman ng insidente ng sunog na pumalo sa 1,698 ay pawang mga aksidente habang 20 ang sinasabing planado at 1,259 kaso ang sinisiyasat pa.
Sinabi ni BFP spokesperson Fire Superintendent Annalee Carbajal-Atienza na upang mas mapabuti ang kanilang tungkulin, nakatakdang bumili ng karagdagan at bagong kagamitan ang Kawanihan BFP Modernization Program.
Plano rin nilang kumuha pa ng karagdagang tauhan upang mabilis na matugunan ang mga insidente.
“Fire prevention pa rin po emphasis ng agency to minimize the fire incident especially now with the extremely hot weather that contributes greatly in the fast spread of fires,” ani Carbajal-Atienza.
Nagsimula na kahapon ang Fire Prevention Month.
- Latest