Australia magbibigay ng $20 milyong investment sa Pinas

President Marcos is welcomed by Australian and Philippine officials upon arrival in Canberra, Australia on February 28, 2024.
STAR / File

MANILA, Philippines — Magbibigay ang gob­yerno ng Australia sa Pilipinas ng $20 milyong investment para suportahan ang Pilipinas sa reporma nito sa justice system ng bansa.

Nagtungo sa Australia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa dalawang araw na state visit nitong Pebrero 28-29.

Sa isang press statement mula sa tanggapan ni Prime Minister Anthony Albanese, inihayag nito na ang ugnayan ng Pilipinas at Australia ay mas pinalakas pa ng close personal connections, kabilang dito ang mahigit sa 400,000 Australians sa Filipino heritage na nagbigay ng magandang kontribusyon sa modern multicultural Australia.

Pinuri rin ni Albanese si Marcos dahil sa produktibong diskusyon na nakasentro lang sa close collaboration bilang strategic partners.

“We are ambitious for what we can achieve together and I’m pleased we are working actively to build a peaceful region where international law is respected and waterways are open for trade,” pahayag pa ni Albanese.

Iginiit pa ni Albanese na ang strategic partnership sa Pilipinas ay key pillar na commitment para mas maging matatag pa ang ugnayan sa rehiyon.

Nauna nang sinabi ni Marcos na ang Pilipinas at Australia ay mariing tinutulan ang “clearly denigrate the rule of law” kasabay ng paghingi ng suporta para tugunan ang mga hamon sa Indo-Pacific region.

Show comments