^

Bansa

300K ‘excess COVID-19 deaths’ iniimbestigahan ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gumulong na ang imbestigasyon sa Kamara hinggil sa napaulat na halos 300,000 ‘excess deaths’ sa umano’y COVID-19, base sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores, nais nilang masusing alamin ang dalawang mahahalagang isyu sa gitna ng kontrobersyal na report ng PSA.

Sinabi ni Flores na dapat malantad ang katotohanan kung ang ‘excess deaths’ noong 2021 na umano’y umabot sa 297,000 kaso ay maiuugnay o may kinalaman sa epekto ng vaccination rollout ng gobyerno sa panahon ng pandemya o ang pagkamatay ay paglabag sa karapatang mabuhay.

Aalamin din kung ang bagong nilikhang Pandemic Treaty and the International Health Regulations (IHR) ay naipasok sa gobyerno ng Pilipinas sa makataong pamamaraan o hindi.

Ipinunto naman ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez sa kaniyang House Resolution 1481 na noong 2021, nang ilarga ang vaccination drive laban sa COVID-19 ay nasa 43% ang pagtaas ng mortality rates kumpara sa 2% pagtaas ng death rate mula 2016 hanggang 2020. Noong 2020 ay nasa 40,147 na mababa ang mga namatay pero mas mataas ito ng 297,000 noong 2021.

Kinuwestiyon din ng solon ang resource persons mula sa Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration kung kaya ng mga itong mapatunayan ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga bakuna sa panahon ng pandemya.

Aminado naman si FDA Director Joyce Cirunay na walang proseso na magpapatunay na ligtas ang mga itinurok na bakuna sa COVID.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with