^

Bansa

Bong Go, Tolentino, Bato umayuda sa Pasig City indigents

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Alinsunod sa kanilang pagsisikap na matiyak na walang Pilipinong maiiwan sa pagbangon, si Senador Christopher “Bong” Go, kasama si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, ay inanyayahan ni Senador Francis “Tol” Tolentino na magbigay ng tulong sa mga mahihirap na residente sa Pasig City noong Miyerkules. 

Ang tatlong senador ay mga opisyal ng partido politikal ng PDP-Laban.

“Huwag kayong magpasalamat sa amin nina (Senator) Bato (Dela Rosa), (Senator) Tol (Tolentino), dahil trabaho namin ‘yan. Kami po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan nyo po kami ng pagkakataon na makapagserbisyo po sa inyo. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat,” ani Go.

Ang relief activity ay ginanap sa Barangay Kalawaan Covered Court, kung saan 600 residente ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno sa pamamagitan ng inisyatiba ni Sen. Tolentino.

Namahagi si Go ng meryenda, grocery packs, masks, bitamina, kamiseta, at bola para sa basketball at volleyball. Mayroon ding mga nakatanggap ng mga bisikleta, sapatos, mobile phone, at relo mula kay Go.

“Nagpapasalamat po ako kay Sen. Tol Tolentino na naimbitahan po kami rito sa kanyang pagtitipon ng mga napiling indigents. Iisa lang naman po ang aming layunin ni Sen. Tol, Sen. Bato, tumulong sa ating mga kababayan, makatulong sa indigents,” sabi ni Go.

Hinikayat ng senador, chair ng Senate committee on health and demography, ang mga residente na samantalahin ang mga serbisyong ibinibigay sa Malasakit Centers sa buong bansa, kabilang ang nasa Rizal Medical Center na matatagpuan sa lungsod.

Ang isa pang pinagtutuunan ng pansin ni Senator Go ay ang pagtatatag ng mas maraming Regional Specialty Center, partikular sa mga rehiyong kulang sa serbisyo. Bilang pangunahing sponsor at isa sa mga may-akda ng RA 11959 o ang Regional Specialty Centers Act, ang bagong batas ay naglalayong lumikha ng mga Regional Specialty Center sa loob ng mga kasalukuyang regional hospital sa ilalim ng DOH upang magdala ng espesyal na pangangalagang pangkalusugan sa lahat ng rehiyon. 

vuukle comment

RONALD DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with