MANILA, Philippines — Diversionary tactics at walang basehan umano ang alegasyon ng kontrobersyal na si Pastor Apollo Quiboloy hinggil sa umano’y sabwatan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Estados Unidos upang siya’y paslangin.
“While I understand the gravity of the accusations he faces on the international stage, specifically from the FBI, it is important to clarify that the Philippine government and its officials, including myself and President Ferdinand Marcos, Jr., operate within the bounds of our constitution and laws”, pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na committed ang pamahalaan na ipatupad ang itinatadhana ng batas at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng sinumang indibidwal at dito’y walang pinipili.
“The claims of connivance with foreign entities for illicit activities are unfounded and divert attention from the serious legal matters at hand,” ani Quiboloy.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos aminin ni Quiboloy sa isang video message sa Sonshine Media Network International (SMNI) na totoong nagtatago siya dahilan may banta umano sa kaniyang buhay.
Ang panel ng Kamara at Senado ay kapwa nagpalabas ng subpoena laban kay Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kaugnay ng imbestigasyon sa mga kinakaharap nitong kaso.
Sa Kamara ay iniimbestigahan ng Committee on Legislative Franchises ang paglabag sa prangkisa ng SMNI na nago-operate sa ilalim ng Swara Sug Corporation habang sa Senado ay ang pagkakasangkot naman ni Quiboloy sa sex trafficking, rape at iba pa.