^

Bansa

Bong Go: Kamalayan sa cancer itaas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na dumalo si Senator Christopher “Bong” Go, bilang chair ng Senate­ committee on health and demography, sa 5th anniversary celebration ng National Integrated Cancer Control Act (NICCA) sa SMX Convention Center sa Davao City.

“Bilang Chair ng Senate­ Committee on Health, pinagtitibay natin ang ating paninindigan na hindi tayo basta-basta magpapatalo sa kanser. Simbolo ito ng ating pagkakaisa at determinasyong magbigay ng mas mataas na kalidad ng buhay sa bawat Pilipino. Nakatuon ito sa pagpapalawak ng edukasyon sa kanser at pagpapahusay ng mga pamamaraan sa screening ng ganitong sakit,” sabi ni Go.

Mula nang maisabatas noong 2019 sa ilalim ng Republic Act No. 11215 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang NICCA ay naging punda­syon ng batas sa kalusugan ng bansa na naglalayong pahusayin ang mga serbisyo sa cancer care at gawing mas accessible at abot-kaya ang mga ito para sa mga Pilipino.

“Hindi maikakaila na ang kanser ay isang salot sa ating­ lipunan na nagdudulot ng matinding pasakit, hindi lamang sa mga pasyente kundi pati na rin sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.  Ang cancer ay isa sa pinakakinatatakutang sakit.  Kapag nagka-cancer ka, paniguradong hirap ka talaga,” ani Go.

Kinilala bilang isang “Cancer Warrior” sa paglu­lunsad ng Cancer Warrior PH Campaign noong Pebrero 6, iginiit ni Senator Go na ang laban sa cancer ay isang shared responsibi­lity, at ang bagong strategic framework ay kumakatawan sa isang collective commitment para mabawasan ang epekto ng sakit na ito sa mga pamil­yang Pilipino.

Noong 2023, niraranggo ang cancer bilang pangalawang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino, ayon sa ulat ng Philip­pine Statistics Authority.

NCAA

SMX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with