^

Bansa

Grave threat vs Duterte, ibinasura ng Quezon City court

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Grave threat vs Duterte, ibinasura ng Quezon City court
Ito ang kinumpirma ni Atty. Harry Roque, isa sa mga abogado ni Duterte. Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y pagbabanta ni Duterte kay Castro sa isang programa sa ­telebisyon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong Grave Threat na isinampa ni ACT ­Partylist Rep. France Castro laban kay ­dating ­Pangulong ­Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Harry Roque, isa sa mga abogado ni Duterte. Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y pagbabanta ni Duterte kay Castro sa isang programa sa ­telebisyon.

Binigyang diin ni Atty. Roque na batay sa natanggap nilang kopya ng desisyon ng korte, pinawalang sala si Duterte sa naturang kaso dahil hindi sapat ang mga naipakitang ebidensya na nagdidiin sa kaso kay Duterte.

Sa naunang counter affidavit ni Duterte, sinabi nito na ikinukwento lamang niya ang kanilang napag-usapan ng anak nitong si Vice President Sara Duterte at wala siyang intensyon na pagbantaan si Castro.

Niliwanag naman ni Rep. Castro na wala pa siyang natatanggap na desisyon ng pagbasura ng QC court sa naisampa niyang kaso laban kay Duterte.

QUEZON CITY COURT

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with