DA ‘di pabor na magtakda ng SRP sa bigas
MANILA, Philippines — Hindi pabor ang Department of Agriculture na magpatupad ng suggested retail price (SRP) sa bigas.
“We’re not doing it. Prices of rice and other agricultural products in international markets like Thailand and other countries are volatile and fluctuating due to El Niño. Hence, we’re not suggesting to control prices at the moment,” sabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.
Ang panukalang lagyan ng SRP ang farm products ay base lamang anya sa available remedies alinsunod sa Price Act na nagbibigay kapangyarihan sa DA na ma-stabilize ang presyo ng farm products at inputs kasama na ang presyo ng bigas, isda, karne, abono sa panahon ng emergency.
SInabi ni Laurel na double time ang pagtatrabaho ngayon ng ahensiya upang matiyak na ang suplay ng agricultural products laluna ng bigas ay sapat kahit na may banta ng epekto ng El Niño sa agrikultura.
- Latest