Marcos, Widodo nag-usap muli sa isyu ng West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Muling pinag-usapan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Indonesian President Joko Widodo ang isyu tungkol sa South China Sea.
Si Widodo ay nasa bansa para sa 3 araw na official visit matapos na dumating noong Martes ng gabi.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na nagkaroon sila ng mabungang diskusyon ni Widodo tungkol sa regional events at mutual interest tulad ng developments sa South China Sea at ASEAN cooperation and initiatives.
Bukod sa South China Sea, nagkasundo rin ang dalawang lider na palakasin pa ang kasalukuyang kasunduan ng Pilipinas at Indonesia.
Kabilang dito ang usapin sa politika, seguridad, enerhiya, ekonomiya at maging ang kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Samantala, pinuri rin ng Pangulo si Widodo sa matagumpay na pagho-host sa katatapos lang na ASEAN summit.
- Latest