MANILA, Philippines — Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa pahgtatapos ng Nobyembre 2023, ayon sa gobyerno — pero nananatili ang parehong underemployment.
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes, naitala ang unemployment rate noong naturang buwan sa 3.6%.
Related Stories
"[This is] lower than the unemployment rates in November 2022 and October 2023, which were both at 4.2 percent," ayon sa PSA.
"In terms of magnitude, the number of unemployed individuals in November 2023 was estimated at 1.83 million, from 2.18 million in November 2022 and 2.09 million in October 2023."
Narito ang mga mahahalagang numero na lumabas sa pinakabagong November 2023 Labor Force Survey:
- unemployment rate: 3.6%
- walang trabaho: 1.18 milyon
- employment rate: 96.4%
- may trabaho: 49.64 milyon
- underemployment: 11.7%
- underemployed: 5.79 milyon
- labor force participation rate: 65.9%
Tintayang nasa 51.47 milyong katao naman ang bahagi ng labor force, o 'yung mga 15-anyos pataas na may trabaho o walang trabaho. Kapansin-pansing pagbaba ito mula sa 51.88 milyon noong Nobyembre 2022.
Bagama't ipinagmalaki ng PSA na bumaba ang underemployment patungong 11.7% mula sa 14.4% noong nakaraang taon, wala itong pinagbago kung ikukumpara noong Oktubre.
Iniuugnay ng mga ekonomista, labor groups at think tanks ang mataas na underemployment sa pag-iral ng mababang kaledad ng trabaho dahil sa napipilitan ang populasyong kumuha ng dagdag na trabaho o 'di kaya'y dagdag na oras sa pagkayod.
"In terms of magnitude, the number of underemployed persons or those who expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have additional job, or to have a new job with longer hours of work in November 2023 was estimated at 5.79 million out of the 49.64 employed individuals," banggit pa nila.
Disyembre lang nang idiin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na malabong magkaroon ng umento sa sahod ngayong 2024 dahil kailangan daw munang "damhin" ang epekto ng mga naunang wage hikes nitong 2023.
Dismayado rito ang Kilusang Mayo Uno lalo na't inaasahan ang pagtaas ng pamasahe sa tren at modern minibuses. Sapat lang din aniya ang nakaraang umento sa minimum na sahod (P30 hanggang P50) sa isang kilo ng bigas.