^

Bansa

Batang may sakit sa puso, nailigtas ng Malasakit Center

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ramdam na ramdam ang impact ng Malasakit Center initiative ni Senator Christopher “Bong” Go sa lalawigan ng Bohol matapos na matulungan ang isang paslit na maisailalim sa operasyon sa puso.

Mismong ang ina ng paslit na si Roselyn Vente, 33, mula sa Tagbilaran City, ang nagbahagi ng kanilang karanasan matapos na ma-diagnosed ang kanyang 2-taong gulang na anak na si Margaret, na may ventricular septal defect, na isang severe heart condition.

“Sobrang hirap po bilang ina po, mga pangangailangan po ng mga anak natin hindi po natin maibigay kasi sa daming gastusin,” ani Roselyn, at tinukoy ang financial strain at emotional toll na idinulot sa kanila ng sakit ng anak.

Naging malaking tulong naman umano sa kanila ang Malasakit Centers program, na brainchild ni Go, dahil sa pamamagitan nito ay kaagad silang nakakuha ng kinakailangang suporta mula sa pamahalaan at naoperahan ang kanyang anak sa Philippine Heart Center sa Quezon City upang iligtas ang buhay nito.

“Malaking pasasalamat ko po kay Senator Bong Go dahil po sa Malasakit Center. Siguro kung wala po ‘yung Malasakit Center, hindi namin alam paano na mangyari kasi sobrang laki po talagang ‘yung kailangan para gamutin si baby,” ani Roselyn.

Sa kasalukuyan, mayroon na umanong 159 Malasakit Centers ang operational sa buong bansa na ayon sa ulat ng DOH ay nakapagkaloob na ito ng tulong sa may 10 milyong Pinoy.

“Lapitan n’yo lang po ang Malasakit Center. Para po ‘yan sa Pilipino,” aniya pa.

GO

ROSELYN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with