Pagsasabatas sa College of Medicine programs sa 4 SU, ikinagalak ni Bong Go

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pag­lagda sa panukalang batas na nagtatatag ng mga programang College of Medicine sa apat na state universities.

Binigyang-diin ni Go, co-sponsor ng mga panukalang batas na ito, ang malawak na epekto nito sa kinabukasan ng bansa partikular na sa pangangalagang pangkalusugan. 

Ang mga nasabing panukalang batas ay pangunahing itinaguyod ni Senator Chiz Escudero, chairperson ng Senate Committee on Higher Education.

Ayon kay Go, ang pagsasabatas ng mga panukala ay patunay ng dedikasyon niya at mga kasamang senador sa pagpapabuti ng sistema ng kalusugan sa Pilipinas. Nagbibigay ito ng pag-asa at oportunidad para sa mga kabataang Pilipino na na­ngangarap maging doktor.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, itinampok din ni Go ang mga pangmata­galang benepisyo ng mga batas na ito, sa pagsasabing mas maraming Pilipino ang mabibigyan ng pagkakataon na ituloy ang mga propesyon sa medisina at pataasin ang potensyal na gawing hub para sa kahusayang medikal ang Pilipinas.

Ang mga bagong batas ay nagtatadhana para sa pagtatatag ng Kolehiyo ng Medisina sa apat na natata­nging unibersidad ng estado - Benguet State University; Southern Luzon State University sa Lucban, Quezon; University of Eastern Philippines sa Catarman, Northern Samar at Visayas State University sa Baybay, Leyte.

Show comments