Presyo ng bilihin sa palengke, ginalugad ng Agriculture team

Unang binisita ng mga opisyal sa pangunguna ni DA Undersecretary for Operations Roger Navar­ro ang Mega Q-Mart at Kamuning Public Market sa  Quezon City.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng mga opisyales ng Department of Agriculture (DA) ang round the clock na paggalugad sa mga palengke upang matiyak na tama ang presyo at sapat ang suplay ng mga bilihin sa mga pamilihan ngayong panahon ng Kapaskuhan at bagong taon.

Unang binisita ng mga opisyal sa pangunguna ni DA Undersecretary for Operations Roger Navar­ro ang Mega Q-Mart at Kamuning Public Market sa  Quezon City.

Sa naturang mga palengke, sinabi ni Navar­ro na sapat naman ang suplay ng karne, poultry products, gulay at isda.

Sinabi ni Navarro na makikipag-usap siya sa ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng National Price Coordinating Council upang matiyak na ang presyo ng mga bilihin ay manatiling stable at hindi babaha ng mga imported products sa mga pamilihan upang hindi maapektuhan ang hanapbuhay ng ating mga magsasaka.

Show comments