3,812 nakapasa sa Bar Exams

Nakaabang ang mga examinees sa resulta ng pagsusulit at nang ilabas na ng Supreme Court ay halos mapaluhod sa tuwa ang 62-anyos na si Rosula Calacala (inset) na taga-North Eastern College sa Isabela matapos makapasa sa 2023 Bar exams.
Ernie Peñarerondo

MANILA, Philippines — Aabot sa 3,812 mula sa 10,387 examinees ang nakapasa sa 2023 Bar exams.

Ayon kay Bar Chairperson Justice Ramon Hernando, ito ay nangangahulugan ng 36.77 percent ang mga nakapasa.

Mas mababa ito sa 3,992 passers noong nakaraang taon.

Top 1 sa Bar exam si Ephraim Porciuncula Bie ng University of Santo Tomas (UST) na nakakuha ng 89.2625%.

Ayon sa SC, nasa 10,791 ang aplikante sa pagsusulit. Gayunman, 10,387 lamang sa kanila ang nakakumpleto nito.

Inaasahan namang isasagawa ng SC ang Bar oath-taking at roll-signing ng mga bagong abogado sa Disyembre 22.

Show comments