^

Bansa

Pinas paboritong destinasyon ng ‘sex offenders’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas paboritong destinasyon ng �sex offenders�
Sa datos ng BI, nasa 153 nang dayuhan na may kinakaharap na mga kasong sekswal partikular ang pag-abuso sa mga bata, ang kanilang hinarang sa mga paliparan mula Enero hanggang nitong Nobyembre 28.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala ang Bureau of Immigration (BI) sa pagdami ng mga dayuhang “sex offenders” na nagtutungo sa Pilipinas kung saan nagiging “daily trend” na umano ang pagharang nila ng mga dayuhan sa mga airports para hindi makapasok ng bansa.

Sa datos ng BI, nasa 153 nang dayuhan na may kinakaharap na mga kasong sekswal partikular ang pag-abuso sa mga bata, ang kanilang hinarang sa mga paliparan mula Enero hanggang nitong Nobyembre 28.

Karamihan sa mga nahaharap ay dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang iba ay lumalapag sa mga international airports sa Mactan, Cebu at sa Clark, Pampanga.

“Noong pandemya, nagkaroon ng pagtaas sa online exploitation sa babae at kabataan.  Nang nagbalik ang international travel, tumaas rin ang bilang ng RSOs (registered sex offenders), na nagpapakita na patuloy ang eksploitasyon,” ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Pinakahuling hinarang ng BI sa NAIA nitong nakaraang Miyerkuels ang American pedophile na si Francisco Narvios Tecson, 55-taong gulang, at nahatulan dahil sa pangmomolestiya sa isang walong taong gulang na bata may 13 taon na ang nakalilipas sa Estados Unidos.

Hinarang din nitong Miyerkules ang isa pang US citizen na si Dale Lloyd Bayless, 65, sa NAIA na nahatulan naman noong 1990 dahil sa kasong “sodomy” sa isang siyam na taong gulang na babae sa Missouri.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with