Davao City fire victims tinulungan ni Bong Go
MANILA, Philippines — Patuloy si Senador Christopher “Bong” Go sa kanyang pangako na tutulungan ang mga Pilipino sa oras ng pangangailangan matapos personal na bisitahin at ayudahan ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay Kapitan Tomas Monteverde, Agdao, Davao City.
Sa relief effort sa mga apektadong pamilya na nasa barangay gymnasium, nagpahayag ng pakikiramay si Go sa mga naapektuhan ng sunog.
“Alam kong mahirap ang masunugan. Parang back to zero talaga. Pero tandaan natin magsumikap lang tayo. Ang pera kikitain natin, ang damit malalabhan at mabibili natin ‘yan. Pero ang perang kikitain hindi mabibili ang buhay. Ang nawalang buhay ay isang nawawalang buhay magpakailanman. Ang importante buhay tayo. Magtulungan lang tayong lahat. Nandito kami at ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno,” idiniin ni Go.
Kasama sina Konsehal Richlyn “Che-Che” Justol-Baguilod at Al Ryan Alejandre, at Kapitan Tomas Monteverde Barangay Captain Robert Diaz, bukod sa iba pa, nagbigay si Go ng mga grocery packs, lalagyan ng tubig, masks, bitamina, kamiseta, at meryenda sa 318 apektadong pamilya.
Namigay rin siya ng mga bisikleta, mobile phone, sapatos, relo, at bola para sa basketball at volleyball.
Nagbigay naman ang mga kinatawan ng Department of Health (DOH) ng hygiene kits, karagdagang masks, at bitamina.
Samantala, tinaas naman ng mga kinatawan mula sa National Housing Authority (NHA), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Trade and Industry (DTI) ang mga benepisyaryo na kuwalipikado sa kani-kanilang tulong sa pabahay at kabuhayan upang lubos silang makabangon.
- Latest