Pangulong Marcos, Tiktok partner sa pagtulong sa entrepreneurs, small scale sellers

We'll be working with TikTok to empower our MSMEs and showcase Filipino products to a global audience of 50 million users.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Nakipag-partner si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa social media platform Tiktok para sa “edutainment” na layong turuan ang mga maliliit na negosyante at small scale sellers na maibenta at mai­taguyod ang produkto sa mas malawak na merkado.

Ayon kay Tiktok Chief Executive Officer Shou Zi Chew, nais nilang pagtuunan ng pansin ang mga local products ng mga maliliit na sellers.

“What we want to do is highlight local products, especially from smaller [sellers],” sabi ni Chew kay Pangulong Marcos sa sidelines ng APEC Summit sa Amerika.

“We have a lot of this in Vietnam, a lot of this in Indonesia, a lot of this in Malaysia, a lot of this … and highlight that, give it a platform to sell around the country and export around the world. That’s the plan,” pahayag ni Chew.

Ayon pa kay Chew, excited ang Tiktok na bigyan ng “edutainment” ang mga maliliit na negosyante.

Nasa 50 milyon na ang gumagamit ng Tiktok ayon kay Chew na kinakailangan masiguro na ligtas ito dahil laan ang naturang platform sa creativity at entertainment.

“So, we want to keep it at that. [The] rules that keep people civil and keep the platform safe. So, we have community guidelines like no violence, no [to] sexual abuse material, we have all these guidelines and we have a team of people who moderate content,” pahayag ni Chew.

Aminado naman si Marcos na mahirap na matukoy kung fake news ang post sa Tiktok.

“But just the differences in opinion and how they’re expressed, that sometimes is very hard to determine whether you… where is it excessive and where is it acceptable but I suppose you have all the rules and… that you need to do that,” ani Marcos.

Show comments