Barko ng Pinas hinabol ng Chinese vessels

This photo taken on April 23, 2023 shows the Philippine coast guard vessel BRP Malapascua (R) maneuvering as a Chinese coast guard ship cuts its path to Ayungin (Second Thomas) Shoal in the Spratly Islands in the disputed South China Sea. AFP was one of several media outlets invited to join two Philippine Coast Guard boats on a 1,670-kilometer patrol of the South China Sea, visiting a dozen islands and reefs. Beijing claims sovereignty over almost the entire South China Sea, including the Spratly Islands, ignoring an international ruling that the assertion has no legal basis.
Ted ALJIBE / AFP

MANILA, Philippines — Nagkahabulan ang barko ng Pilipinas at Chinese vessels hanggang sa matagumpay na naisagawa ng bansa ang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Biyernes.

Ito’y ayon sa Philippine Coast Guard, tila pelikulang nangyari nang habulin ng Chinese vessels ang barko ng Pilipinas na nakalusot sa gitna ng mga pagharang at panggigipit ng China Coast Guard.

Nasa 11 Chinese vessels ang nagsagawa ng mga pagharang at panggigipit sa PCG vessels at sa resupply boats.

Nabatid na nasaksihan din ng ilang miyembro ng media ang habulan hanggang sa mara­ting ng PCG personnel ang Ayungin Shoal.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, nakumpleto ang resupply mission sa kabila ng mga pagharang ng China Coast Guard.

Nabatid na sinamahan ng PCG ang dalawang barko na magsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre. Ang barkong World War II  ay 1999 pa  nasa Ayungin Shoal na indikasyon sa claim ng  Pilipinas sa West Philippine Sea.

Tiniyak naman ng mga sundalong naka­talaga sa BRP Sierra Madre na patuloy nilang ipaglalaban at babantayan ang pag-aari ng Pilipinas mula sa bansang naghahangad  dito.

Matatandaang batay sa 2016 Arbitral Award and the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang Ayugin Shoal ay nasa loob ng 200-km exclusive economic zone ng Pilipinas.

Hindi ito matanggap ng China kaya patuloy ang pagharang sa mga resupply mission.

Show comments