MANILA, Philippines — Tumaas na ng halos 300% ang naitatalang kaso ng tigdas sa bansa mula Enero 1 hanggang Oktubre 14 kumpara sa parehong period noong 2022.
Nakapagtala ang DOH ng 1,829 kaso na mas mataas ng 299% sa 458 kaso noong nakaraang taon.
Anim na pasyente rin ang nasawi ngayong taon kumpara sa wala noong 2022.
Idinahilan ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante ang pagtaas ng mga kaso sa mababang vaccination rate sa mga bata laban sa “measles, mumps at rubella (MMR). Hindi umano nakaabot sa kinakailangang 90% vaccination rate ang pamahalaan ngayong taon.
Nagbabala rin ang eksperto na maaari ring tumaas ang mga kaso ng polio, pneumonia, influenza, at pertussis kung patuloy na tatanggi sa pagpapabakuna ang publiko.