^

Bansa

Buwanang P1K hazard pay ng barangay tanod isabatas – Jinggoy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Buwanang P1K hazard pay ng barangay tanod isabatas � Jinggoy
Sa kanyang inihaing Senate Bill No. 794, inirekomenda ni Estrada na bigyan ng buwanang P1,000 bilang hazard pay ang hinirang na mga miyembro ng barangay tanod brigades.
Miguel De Guzman / File

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng buwanang P1,000 hazard pay para sa mga barangay tanod.

“Malaki ang ambag ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan. Sila ang nagpupuyat sa gabi at frontliner, gaya ng nasaksihan natin noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Kakarampot na halaga ito kapalit ng kanilang serbisyo, sakripisyo at pagkakawanggawa,” sabi ni Estrada.

Sa kanyang inihaing Senate Bill No. 794, inirekomenda ni Estrada na bigyan ng buwanang P1,000 bilang hazard pay ang hinirang na mga miyembro ng barangay tanod brigades.

Kung magiging batas, ang  pondo ay una munang manggagaling sa budget ng Department of Interior and Local Government (DILG), habang ang mga susunod na implementasyon nito ay isasama na sa budget ng local government units (LGUs).

Bagamat tumatanggap ng mga benepisyo ang mga barangay tanod tulad ng iba pang opisyal ng barangay, batid ni Estrada na binibigyan lamang ng hindi bababa sa P600 kada buwan na honoraria o allowance ang mga barangay tanod.

 “Bilang mga frontliner, dapat silang makatanggap ng sapat na suporta at pagkilala mula sa gobyerno. Karapat-dapat silang bigyan ng ganitong insentibo,” dagdag ni Estrada, chairperson ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.

vuukle comment

BARANGAY

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with