^

Bansa

WFH sa gobyerno, online classes sa Oktubre 31, pinayagan ni Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
WFH sa gobyerno, online classes sa Oktubre 31, pinayagan ni Pangulong Marcos
Sa memorandum circular No. 38 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na ang hakbang na ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaan na gunitain ang Undas sa November 1 at para makauwi sila sa kani-kanilang mga probinsiya.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Pinayagan ng Malacañang ang work from home arrangement para sa mga empleyado ng gobyerno at online classes sa mga pampublikong paaralan sa Martes, October 31.

Sa memorandum circular No. 38 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na ang hakbang na ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaan na gunitain ang Undas sa November 1 at para makauwi sila sa kani-kanilang mga probinsiya.

“In order to provide government employees full opportunity to pro­perly observe All Saints’ Day on 01 November 2023, and to allow them to travel to and from the different regions in the country, work from home arrangement in government offices shall be implemented, and asynchronous classes in public schools shall be conducted on 31 October 2023,” nakasaad sa memorandum.

Pero nilinaw ni Bersamin na hindi kasama rito ang mga ahensya ng pamahalaan na ang tungkulin ay may kinalaman sa pagbibigay ng basic and health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad.

Ipinauubaya naman ng Malacañang sa mga pribadong kumpanya at mga paaralan ang pasya kung magpapatupad ng kahalintulad na work arrangement at klase.

EMPLEYADO

WFH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with