Bulakenyo solong tinamaan P15.84-M jackpot sa lotto

Individuals purchase a lotto ticket at a Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) lotto outlet in Quezon City on Sept. 28, 2023
STAR/Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Nag-iisang napalanunan ng mananaya mula sa probinsya ng Bulacan ang Superlotto 6/49, bagay na katumbas ng P15,840,000.

Ganyan nga ang ibinalita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Biyernes matapos ibola kahapon ang sumusunod na winning combination: 26-31-41-14-05-10.

"One (1) Winning Ticket was bought in Norzagaray, Bulacan," sambit ng PCSO sa isang paskil kanina.

 

 

Maliban diyan, isa pang mananaya ang magiging milyonaryo matapos tamaan ang P1.25 milyong jackpot ng 6D Lotto.

Bagama't wagi sa Superlotto 6/49 ang lucky winner kahapon, hindi niya buong-buo makukuha ang P15.84 milyon dahil sa bisa ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

"Prizes abo e P10,000.00 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN Law," paliwanag ng PCSO.

"All winnings should be claimed within oen year from the date of the draw otherwise the same would be forfeited to form part of the Charity Fund." — James Relativo

Show comments