MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa silang tumulong sa paghahanap sa nawawalang Miss Grand Philippines 2023 Candidate na si Catherine Camillon.
Ayon sa PNP, hinihintay lamang nila ang pagdulog ng pamilya ni Catherine upang maimbestigahan din ang kaso.
Kinatawan ni Catherine ang Tuy, Batangas sa Miss Grand Philippines 2023, subalit itinanghal na nanalo sa nabanggit na pageant si Nikki de Moura ng Cagayan de Oro.
Si Catherine, 26, ay isang public school teacher.
Batay sa pahayag ng pamilya ni Catherine, huli itong nakontak noong Oktubre 12 bandang alas-8 ng gabi.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito nakakausap at nanatiling naka-off ang cellphone.
Nag-alala ang pamilya ni Catherine nang hindi na ito nag-message kinabukasan samantalang regular itong nagte-text sa pamilya.
Bagama’t anim na araw nang nawawala si Catherine, umaasa ang pamilya nito na ligtas ito at uuwi sa kanilang bahay.
Biyernes nang mag-post sa Facebook ang kapatid ni Catherine na si Chin-Chin ng panawagan sa kaibigan at posibleng kasama nito.
Ibinahagi rin ng pamilya ang gamit na sasakyan ng kandidata na Nissan Juke na may plate number NEI 2990 bago ito nawala.
“Lord, please help us find my youngest child,” she wrote in Filipino in a post. “Please keep her from any harm,” panalangin naman ng ina ni Catherine.