74% ng Pinoy no. 1 pinoproblema pagkontrol sa inflation — Pulse Asia

Vendors sell fresh poultry and agricultural products at a public market in Lingayen, Pangasinan on September 30, 2023.
The STAR/Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Nangungunang "urgent national concern" pa rin para sa mga Pilipino ang pagkontrol sa bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin — bagay na consistent simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022.

Ito ang ibinahagi ng Pulse Asia sa media ngayong Martes halos isang buwan matapos iulat ang pagsipa ng inflation rate sa bansa patungong 5.3% nitong Agosto.

"Inflation continues to be the leading urgent national concern among Filipinos; public sentiment on the matter is virtually unchanged between June 2023 and September 2023 as well as year-on-year," sabi ng survey firm.

"A big majority of the country’s adult population (74%) expresses concern about the need to control the rising prices of basic commodities."

Narito ang pagkakasunod ng mga nabanggit:

  • pagkontrol sa inflation: 74%
  • pagtaas ng sahod: 49%
  • paglikha ng dagdag trabaho: 27%
  • paglaban sa katiwalian: 22%
  • paglaban sa kriminalidad: 18%
  • paglaban sa kagutuman: 14%
  • pagbibigay ng tuloy sa mga magsasaka: 13%
  • pantay na pagpapatupad ng batas: 11%
  • pagbibigay ng suporta sa maliliit na negosyante: 9%
  • pagtataguyod ng kapayapaan: 9%
  • pagtigil sa pagkasira ng kalikasan: 8%
  • pagtatanggol ng teritoryo laban sa mga dayuhan: 7%
  • pagpapababa ng buwis: 7%
  • pagprotekta sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers: 4%
  • paghahanda laban sa terorismo: 3%

Maliban sa doube-digit increase sa antas ng pagkabahala mataas na presyo ng bilihin (+11 percentage points) mula Hunyo hanggang Setyembre 2023, halos hindi nagbago ang opinyong publiko pagdating sa mga pambansang isyu noong panahong ito.

"Majority levels of concern about controlling inflation are posted in every geographic area and socio-economic class (66% to 80% and 67% to 75%, respectively)," ayon sa Pulse Asia.

"Meanwhile, most of those in the rest of Luzon (51%), the Visayas (55%), and Class D (52%) are concerned about increasing the pay of workers. No other national concerns are deemed urgent by majorities across areas and classes."

 

 

Aprub sa trabaho ng gobyerno sa 8 isyu

Sa 14 isyung sinuri noong Setyembre, lumalabas na walo rito ang nagpakita ng majority approval ratings. 

Nangyari ang mga signipikanteng mga pagbabago sa performance ratings ng administrasyong Marcos mula Hunyo 2023 hanggang Setyembte 2023 at Setyembre 2022 hanggang 2023.

Kabilang na rito ang sumusunod:

  • pagpotekta sa kapakanan ng OFWs: 74%
  • pagtulong sa mga nasalanta: 72%
  • pagtatahguyod ng kapayapaan: 63%
  • pagtatanggol sa teritoryo: 59%
  • paglaban sa kriminalidad: 57%
  • pagpapatupad ng rule of law: 55%
  • pagbibigay tulong sa magsasaka: 55%
  • pagtatanggol sa kalikasan: 54%

Bigo naman si Marcos Jr. na makakuha ng majority approval ratings sa mga isyu gaya ng pagtugon sa kahirapan (46%), paglikha ng dagdag trabaho (43%), paglaban sa katiwalian (45%), pagtataas ng sahod (49%), pagsugpo sa kahirapan (29%), pagkontrol sa inflation (16%).

Kasalukuyang nagpapatupad ang gobyerno ng price cap sa presyo ng bigas buhat ng biglaang pagtataas nito, habang namamahagi naman ng fuel subsidy ang gobyerno dahil sa sunud-sunod na linggo ng oil price hikes.

Maaalalang hindi pa rin natutupad ang pangarap ni Marcos Jr. na maibaba ang presyo ng bigas sa P20/kilo, bagay na bukambibig niya noong 2022 presidential elections.

Show comments