Matapos ang ‘lunok-pera’ ng tauhan
MANILA, Philippines — Matapos ang banta ni House Speaker Martin Romualdez na haharangin ang budget, naghain ng courtesy resignation si Office of Transport Security (OTS) Administrator Ma. O Aplasca.
Sa inihaing courtesy resignation ni Aplasca kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na hindi niya kayang isakripisyo ang kanyang organisasyon subalit ikokonsidera niya bilang “noble undertaking for a great interest”.
Iginiit pa nito na wala siyang ginawang masama kundi isang honest compaign laban sa korapsyon sa lahat ng airports sa buong bansa.
“But I can assuere His excellency that the good men and women of OTS will not falter in its commitment to cleanse its ranks to finally deliver your promise of a convinient, affordable , safe and secured transportation system”, nakasaad pa sa resignation letter ni Aplasca.
Nagpasalamat din ito kay Transportation Secretary Jaime Bautista dahil sa ibinigay sa kanyang responsibilidad na makapagsilbi sa mga Filipino.
Matatandaan na naging kontrobersiya ang kumalat na video ng isang OTS personnel na lumunok ng $300 na mula sa isang pasahero at sinabing ito ay tsokolate lamang.
Nauna na rin nanawagan si Romualdez na magbitiw sa puwesto si Aplasca sa gitna ng naturang kontrobersiya.