'Ineng' lumabas na ng PAR, pero habagat palalakasin pa rin

Huling namataan ang Tropical Depression Ineng 1,240 kilometro silangan hilagangsilangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA nitong 4 a.m. ng Miyerkules.
RAMMB

MANILA, Philippines — Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong "Ineng," pero magiging masungit pa rin ang panahon sa ilang bahagi ng northern at cenrtal Luzon sa susunod na tatlong araw dahil sa pinalalakas nitong hanging habagat.

Huling namataan ang Tropical Depression Ineng 1,240 kilometro silangan hilagangsilangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA nitong 4 a.m. ng Miyerkules.

  • Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 70 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 20 kilometro kada oras
  • Direksyon: pahilaga hilagangsilangan

"Tropical Depression Ineng is not directly affecting the country, although it and the remnants of Haikui [dating 'Hanna'] are still slightly enhancing the southwest monsoon, which will bring occasional rains over the western portions of northern and central Luzon in the next three days," sabi ng state meteorologists.

"With the remnants of Haikui continuously weakening over mainland China and INENG rapidly moving move north northeastward away from the country, the southwest monsoon is forecast to continue weakening within the week."

Dahil dito, patuloy na magdadala ng mahanging panahon ang Habagat sa Batanes at Ilocos provinces ngayong araw.

Nakikitang patuloy na lalakas ang bagyo pahilaga hilagangsilangan o hilagangsilangan patungo sa dagat timog ng Japan habang patuloy na lumalakas.

Ang lahat ng iyo ay nangyayari kahit na kalalabas pa lang ng dating Super Typhoon Goring at dating Typhoon Hanna ng PAR ilang araw pa lang ang nakalilipas.

Show comments