Programa sa bigas pinondohan ng P30.9 bilyon
MANILA, Philippines — Naglaan na ang gobyerno ng P30.9 bilyong pondo para sa National Rice Program sa susunod na taon.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gagamitin ang pondo para palakasin ang produksyon ng bigas para makamit ang target na “rice self sufficiency.”
Paliwanag ni Marcos, sa ganitong paraan ay mabibili ng publiko ang bigas sa murang halaga lamang.
Napag-alaman na sa naturang pondo, P9 bilyon ang inilaan para sa pagbili ng mahigit 473,680 metriko tonelada ng palay para sa buffer stocking program ng National Food Authority (NFA).
Nasa P5.3 bilyon naman ang inilaan para sa National Corn Program, P4.3 bilyon sa National Livestock Program at P1.9 bilyon sa National High Value Crops Development Program.
Habang nasa P1.0 bilyon naman ang inilaan para sa sugarcane industry at P6.9 bilyon sa National Fisheries Program.
- Latest