MANILA, Philippines — Walang kaagaw sa premyo ang isang taga-probinsya ng Bulacan matapos niyang tamaan ang P93.69 milyong jackpot prize sa Superlotto 6/49.
Nag-iisa kasing nakuha ng nabanggit ang winning combination na 42-12-25-05-19-18, bagay na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Huwebes.
Related Stories
"One (1) Winning Ticket was bought in Balagtas, Bulacan," wika ng PCSO sa isang paskil ngayong araw, Biyernes.
Samantala, walang nakakuha ng P6.44 milyong jackpot prize kahapon para sa Lotto 6/42 na siya namang may winning combination na 19-29-12-05-13-34.
Kahit na solong napalanunan ng mananaya mula Balagtas ang milyun-milyong papremyo kahapon, hindi niya ito maiuuwi nang buo alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
"Prizes above the Php10,000.00 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN Law," paliwanag ng PCSO.
"All winnings should be claimed within one year from the date of the draw otherwise the same woould be forfeited to form part of the Charity Fund." — James Relativo