Typhoon Egay patuloy sa paglakas; mas maraming lugar Signal No. 2

MANILA, Philippines — Walang humpay ang paglakas ng Typhoon Egay bago ito tuluyang maging isang ganap na super typhoon pinakamaaga sa Martes, ayon sa PAGASA.
Bandang 4 p.m. ngayong Lunes nang mamataan ang sentro ng bagyo 500 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
- Lakas ng hangin: 155 kilometro kada oras
- Bugso ng hangin: 190 kilometro kada oras
- Direksyon: hilaga hilagangkanluran
- Pagkilos: 10 kilometro kada oras
"EGAY is forecast to continue intensifying and reach super typhoon category by late tomorrow or on early Wednesday," sabi ng state weather bureau.
"However, should the track forecast shift closer to the landmass of Luzon, the typhoon may peak at an intensity just below STY threshold. Nevertheless, EGAY is forecast to become a very strong typhoon."
Aabot sa 50-100 millimeter na accumulated rainfall ang nakikita mula ngayong araw hanggang bukas ng hapon sa mga kalugaran ng Cagayan, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Sorsogon kaugnay ng bagyo.
TCWS sa Luzon, Visayas
Itinaas naman ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar.
Signal No. 2
- Catanduanes
- silangang bahagi ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi)
- hilagang bahagi ng Camarines Norte (Calaguas and Maculabo Islands)
- silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Sagñay)
- Isabela
- hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
- Quirino
- Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- Apayao
- Kalinga
- gitna at silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc)
- silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag)
- silangang bahagi ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Lagawe, Banaue, Hingyon, Lamut)
- gitna at silangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagangilang, San Juan, Dolores, Lagayan, Danglas, La Paz, Daguioman, Boliney, Bucloc, Licuan-Baay, Sallapadan, Tayum, Bucay, Bangued, Peñarrubia, Manabo, Tubo)
- Ilocos Norte
- Batanes
- hilagangsilangang bahagi ng Northern Samar (Laoang, Palapag)
Dahil sa gale-force winds sa mga nasabing lugar, tinataya ang "minor to moderate" na banta sa buhay at ari-arian.
Signal No. 1
- Sorsogon
- Masbate, kasama ang Ticao Island
- Burias Island
- Nalalabing bahagi ng Albay
- Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
- Nalalabing bahagi ng Camarines Norte
- Nalalabing bahagi ng Abra
- Nalalabing bahagi ng Mountain Province
- Nalalabing bahagi ng Ifugao
- Nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
- Quezon kasama ang Pollilo Islands
- Nalalabing bahagi ng Aurora
- Benguet
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Zambales
- Bataan
- Bulacan
- Pampanga
- Metro Manila
- Rizal
- Cavite
- Laguna
- Marinduque
- Gitna at silangang bahagi ng Romblon (Banton, Corcuera, Romblon, Magdiwang, Cajidiocan, San Fernando)
- Hilaga at gitnang bahagi ng Batangas (Calaca, Cuenca, Taysan, Lian, Tuy, Balayan, Talisay, Padre Garcia, Agoncillo, Santo Tomas, San Jose, Lemery, Lipa City, Ibaan, City of Tanauan, Mataasnakahoy, Alitagtag, Balete, Nasugbu, San Juan, San Nicolas, Rosario, Laurel, Santa Teresita, Taal, Malvar)
- Eastern Samar
- Nalalabing bahagi ng Northern Samar
- Samar
- Biliran
- hilaga at gitnang bahagi ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Mahaplag, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, Abuyog, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Macarthur, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Javier, Dulag, Capoocan, Alangalang, City of Baybay, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo)
- Hilagang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, Medellin) kasama ang Bantayan Islands, Camotes Islands
Tinataya ang "minimal to minor threat" sa buhay at ari-arian sa mga sumusunod na lugar dahil sa lakas ng hangin.
"Forecast rainfall are generally higher in elevated or mountainous areas," dagdag pa ng PAGASA.
"Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are highly likely especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days."
Pagpapalakas ng Habagat
Samantala, posibleng mapalakas din ng bagyong "Egay" ang Hanging Habagat na siyang magdadala ng minsang monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.
Nakikita sa forecast track na maaaring tumawid sa Luzon Straight ang bagyo at mag-landfall o 'di kaya'y lumapit nang husto sa Babuyan Islands-Batanes sa mula bukas ng gabi hanggang MIyerkules ng umaga.
Posibleng makalabas ito ng Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Huwebes.
- Latest