Solar water system sa panahon ng El Niño isinusulong sa House

Minadali ng mga manggagawa ng water station sa Masambong sa Quezon City ang kanilang deliveries bago ang tuluyang pagpapatupad ng siyam hanggang 11 oras na water interruption sa lugar.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Patuloy na isinusulong ni Ako Bicol Rep. at House Committee on Appropriations Chairman Congressman Elizaldy Co ang pagkakaroon ng solar water system upang makatulong na punan ang pangangailangan sa suplay ng tubig sa bansa laluna sa Metro Manila sa panahon ng El Niño.

Sinabi ni Congressman Co na sa ilalim ng pamunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay nagsasagawa ang Kongreso ng proactive measures upang solusyunan ang nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig sa pamamagitan ng paglalaan ng solar water systems para sa upland areas upang maka-access sa pagkakaloob ng serbis­yo at punan ang panga­ngailangan sa lugar.

Ang hakbang ay bahagi ng commitment ng Kongreso na bigyan ng maayos na serbisyo ang mamamayan at maibsan ang anumang makakaapekto sa kanilang pamumuhay.

“Even prior to the onset of the El Niño phenomenon, the Congress has allocated a significant budget of 10 Billion pesos in the 2023 GAA for the construction of solar-powered water supply systems across the country,” pahayag ni Co.

Binigyang diin ni Co na si Speaker Romualdez ay nakatuon na paglaa­nan ng Solar-Powered Water Supply System ang may 40 milyong Pilipino sa mga upland barangays para maka-access sa malinis na inuming tubig.

Sinabi rin ni Co na ang pagkakaroon ng access sa tubig ay isang basic human right ng lahat ng mamamayan.

Show comments