RCMP nagsagawa ng bloodletting project

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Hope Creating President (HCP) Daisy Calara Valdez ang mga opisyales at miyembro ng Rotary Club of Malate (RCMP) sa pagdo-donate ng dugo sa ginanap ng bloodletting project ng RCMP kahapon.

Ang bloodletting project ng RCMP mula sa kooperasyon ng Dugong Alay, Dugtong Buhay Foundation ay sinimulan dakong alas-10 ng umaga sa MBC lobby, sa Star City, CCP Complex, Pasay City.

Ito ay bahagi ng ika-84 anibersaryo ng radio DZRH na katuwang sa naturang proyekto.

Ang padre de pamilya ni HCP Daisy na si FG Capt. Albino Valdez Jr., at RCMP Past President Jimmie Ocampo ang nag-donate ng kanilang dugo kasama pa ang mga blood donors ng DZRH at ilang Rotarian friends.

Show comments