MANILA, Philippines — Binigyan ng pinakamataas na pagkilala si dating Manila Mayor Lito Atienza na Gawad Gat Andres Bonifacio Award para sa kanyang outstanding contributions sa Maynila sa ginanap na selebrasyon ng ika-452 Founding Anniversary nito.
Si Atienza ang nag-iisang 3-term na Alkalde ng Maynila ay kinilala sa napakatagumpay na “Buhayin ang Maynila Urban Renewal and Redevelopment Program” ng kanyang administrasyon.
Sa ilalim ng Buhayin ang Maynila nagpatupad siya ng mga kinakailangang reporma sa loob ng burukrasya para mapabilis ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo.
Nakuha rin niya ang suporta ng iba’t-ibang sektor at stakeholder tulad ng mga pinuno ng barangay at komunidad, gayundin ng mga negosyo at NGOs para magtulungan sa pagpapanumbalik ng Maynila sa isang makulay, masigla at progresibong lungsod.
Habang nagpahayag naman ng pasasalamat ng taos-pusong pasasalamat si Atienza kay Mayor Honey Lacuna para sa karangalan at inaasahan ang tagumpay ng alkalde.