Teenage pregnancy sa Davao City, tumataas
MANILA, Philippines — Nababahala ngayon ang Davao City Social Welfare & Development Office (CSWDO) sa mataas na bilang ng teenage pregnancy incidents sa Davao City.
Ayon kay CSWDO Officer in Charge Julie Dayaday, nasa rank 5 sa buong bansa ang Davao City sa pinakamaraming kaso ng mga kabataang nabubuntis.
Lumilitaw sa datos, ang educational attainment ng mga kabataang maagang nabuntis ay nasa Grade 1 to 6, 19.1%, Grade 7 hanggang 10, nasa 5.3% at Grade 11 hanggang Grade 12 ay nasa 4.8%.
Dagdag pa ni Dayaday, malaking factor ng early pregnancies ang social media presence at pag-iba ng mga ugali ng bagong henerasyon kaya hinikayat nito ang mga kabataan na nakakaranas ng problema na sumangguni kaagad sa kanilang school counselor o sa tanggapan ng CSWDO Teen Center para matulungan ang mga ito at maiwasan ang maagang pagbubuntis.
Samantala, bilang bahagi ng kampanya ng CSWDO at Sangguniang Kabataan partikular ng Barangay Tibungco sa Davao City, nagsagawa ng 5-day seminar ukol sa Teenage Pregnancy Awareness sa mga estudyante ng F. Bustamante National High School noong May 22,23,24,25 at June 1, 2023 para masolusyonan ang tumataas na bilang ng teenage pregrancy sa lungsod ng Davao.
- Latest