MANILA, Philippines — Sumabak na sa training ang nasa 180 sundalo na bagong recruit ng Philippine Army sa Army Artillery Regiment (AAR) headquarters sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kahapon.
Ang mga recruit na bahagi ng Candidate Soldier Course (CSC) Class 765-2023 ay malugod na tinanggap ni Headquarters and Headquarters Support Group (HHSG) Commander Brig. Gen. Moises M. Nayve Jr.
Sa kanyang mensahe sa opening ceremony ng klase, sinabi ni Nayve na ang mga bagong recruit ay mahalagang bahagi ng modernisasyon ng Philippine Army.
Kailangan ng pamahalaan ng mga bago at magagaling na sundalo.
Pinasalamatan din ni Nayve ang mga magulang ng candidate soldiers na ipinagkatiwala nila sa Philippine Army ang kanilang mga anak.
Napag-alaman na ang candidate soldiers ay dumaan muna sa serye ng pagsubok para madetermina ang kanilang pisikal na lakas, kakayahang pangkaisipan, at emotional stability, bago sila sumabak sa pormal na pagsasanay.