Ex- first lady Imelda, sumailalim sa angioplasty

MANILA, Philippines — Sumailalim umano sa isang medical procedure si ­dating unang ginang Imelda Romualdez Marcos.

Ito ang kinumpirma ni Senador Imee Marcos at sinabing naging matagumpay ang isinagawang angioplasty sa kanyang ina noong May 7,2023 sa St. Lukes Medical Center sa Global City.

Patuloy na nagpapagaling ang dating unang ginang at posibleng makauwi na umano ngayong linggo sa kanilang bahay.

“My mother Mrs. Imelda R. Marcos underwent a successful angioplasty last May 7 at St. Luke’s Medical Center Global City, is recovering well and will be sent home this week,” ayon kay Sen. Marcos.

Ang dating unang ginang ay mag-94 year old na sa Hulyo.

Show comments