Joint patrols sa South China Sea malapit ng magsimula - Philippine envoy

MANILA, Philippines — Malapit nang magsimula ang joints patrols sa South China Sea sa pagitan ng Pilipinas at mga kaalyado nito, ayon kay Phl Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez.

“This time, we’re seriously sitting down and putting down the parameters of where the Philippines and Australia, who is obviously very much interested in joining these joint patrols or joint exercises with the United States, and hopefully, Japan will also look at this opportunity for them to join forces,” ani Romualdez.

Layunin aniya ng hakbang na mapanatili ang kalayaan sa pag-navigate sa lugar kung saan ang trilyong dolyar sa kalakalan ang dumaraan taun-taon.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang magkasanib na pagpapatrolya sa South China Sea ay maaaring magsimula ngayong taon. Ang mga bansang kasama sa joint patrols ay ang US, Australia, Japan at South Korea.

Iniulat na sinabi rin ni Romualdez na nais ng mga miyembro ng Association of the Southeast Asian Nations ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Ibinunyag din ni Romualdez na wala pang mga talakayan sa anumang karagdagang mga site sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Nauna rito dinagdagan ng Pilipinas at US ngayong taon ang kanilang mga EDCA sites sa siyam, na nagdulot ng pag-aalala mula sa China.

Show comments