^

Bansa

Unemployment bumaba noong Marso - PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bahagyang bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.

Sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Office (PSA), naitala sa 4.7% ang unemployment rate nitong Marso, mas mababa sa 4.8% noong Pebrero ng 2023 at 5.8% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, katumbas ito ng 2.42 milyong Pinoy na walang trabaho noong Marso.

Kasunod nito, umakyat naman sa 95.3% ang employment rate o katumbas ng 48.58 milyong Pilipino na may trabaho sa bansa.

Habang ang underemployed o mga manggagawang hindi napapa­sweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay naitala sa 11.2% na mas mababa sa 12.9% kung ikukumpara noong Pebrero 2023.

Kabilang sa mga sektor na may malaking pag-­angat sa employment noong Marso ang construction, transportation and storage, mining and quarrying, manufacturing at admin and support service.

Habang ilan naman sa sektor na nabawasan ng manggagawa ang sektor ng wholesale at retail, agriculture at forestry, at pati na ang accommodation and food service activities. (=

vuukle comment

PSA

UNEMPLOYED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with