MANILA, Philippines — Nagpalabas na ng anunsyo ang PAGASA ng El Niño alert makaraang ang model forecasts ay nagpapakita na ang phenomenon ay papasok sa susunod na tatlong buwan mula Hunyo, Hulyo at Agosto at may 80 percent probability na maramdaman ito hanggang sa unang quarter ng 2024.
“With this development, the PAGASA El Niño Southern Oscillation (ENSO) Alert and Warning System is now raised to EL NIÑO ALERT. When conditions are favorable for the development of El Niño within the next two months at a probability of 70% or more, an El Niño ALERT is issued,” ayon sa PAGASA.
Ang El Niño phenomenon ay ang panahon na mababa ang tsansa ng pag-ulan.
Hinikayat ng PAGASA ang lahat ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at ang publiko na patuloy na subaybayan at gumawa ng kaukulang hakbang upang maibsan ang matinding epekto ng El Niño sa kalusugan at kabuhayan ng taumbayan.