Nakakaaliw na TNT video para sa SIM Registration, nag-viral

Mistulang comedy-suspense plot ang bagong viral video ng mobile brand na TNT na nagpapakita ng posibleng mangyari kung hindi makapag-register ng SIM.

Sa witty at creative na video, na umani na ng 14 million views sa TikTok at 8 million views sa YouTube sa loob lamang ng dalawang araw, tampok ang isang mag-ama na naabala ng pagkatok ng isang babae na nagpakilala gamit lamang ang cell number nito. 

Sa kabila ng pagpupumilit ng babae ay hindi nila ito pinagbuksan ng mag-ama dahil hindi nila kilala ang cell number na sinisigaw nito. Sa huli, makikita ang babae na basang-basa sa ulan at nag-iisa dahil hindi niya mapatunayan ang kanyang identity. Panoorin ang viral ad dito:

'Mag-SIM Reg Para Hindi SIM Dead'

Sa pamamagitan ng video na ito, nais ng TNT na ipaalala ang kahalagahan ng pag-register ng SIM para maiwasan ang permanent SIM deactivation, na maaring magdulot ng maraming hassle. 

Kapag na-deactivate ang iyong SIM, hindi mo na makukuha ang mga one-time password (OTP) para sa iyong banking apps o mobile wallets, kaya hindi mo na rin maa-access ang iyong account at wallet credits. Hindi mo rin maa-access ang lahat ng mga app na naka-link sa iyong mobile number tulad ng social media apps, messaging apps at delivery apps, o mare-recover ang nakalimutan mong password na naka-link sa iyong mobile number.

“Nais naming paalalahanan ang lahat ng TNT customer na mag-register ng SIM para tuluy-tuloy lamang ang kanilang saya at hindi maantala ang kanilang daily online activities gamit ang pinakamalakas na coverage ng TNT sa buong Pilipinas,” saad ni  Francis Flores, SVP at Head ng Consumer Wireless Business – Individual sa Smart.

“Kilala ang TNT bilang mobile brand na nagbibigay-saya sa mga Pilipino, kaya naman para sa public service announcement na ito, sinadya talaga naming gawing informative at nakakaaliw ang video para epektibong maipakita ang mga panganib na dulot ng hindi pag-register ng SIM,” dagdag niya.

Di naman naiwasan ng mga manonood na purihin ang video, na nagkumbinsi sa marami na i-register na ang kanilang SIM. As of April 16, patuloy na nangunguna pa rin ang Smart at TNT sa SIM Registration sa bansa dahil sa 35.6 million registered subscribers nito.

Para maiwasan ang permanent SIM deactivation, i-register ang iyong SIM sa pamamagitan ng:

1. Pagbisita sa smart.com.ph/simreg o sa GigaLife app sa Google Play at Apple App Store

2. Pag-type ang iyong impormasyon at pag-upload ng iyong valid ID

3. Paghintay ng kumpirmasyon at ng iyong FREE data.

 

Para sa mahahalagang updates, i-follow ang official accounts ng TNT sa Facebook, Instagram, YouTube at TikTok, o bisitahin ang tntph.com.

 

Show comments