Antipolo Cathedral, idineklarang international shrine
MANILA, Philippines — Isa nang ganap na international shrine ang Antipolo Cathedral sa Antipolo City, Rizal nitong Sabado, alinsunod na rin sa isang decree na inilabas ng Vatican.
Batay sa Facebook post ng Antipolo Cathedral, nabatid na ang cathedral ay kikilalanin na ngayon bilang ‘International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.’
“As one brethren, let us celebrate March 25 with joy and cheer. Aside from the Feast of the Annunciation of the Lord and the anniversary of the departure of the Our Lady of Antipolo from Acapulco, Mexico to the Philippines, this is the most awaited day of the Effectivity of Elevation of the International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage,” anunsiyo pa ng Antipolo Cathedral.
Nabatid na ang Antipolo Cathedral ang kauna-unahang international shrine sa bansa, ikatlo sa Asya at pang-11 naman sa buong mundo.
Una nang nakiisa si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa selebrasyon ng naturang magandang balita.
- Latest