Catapang, itinalagang BuCor chief ng Palasyo

MANILA, Philippines — Tuluyan nang sinibak sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Ito ay matapos italaga na ng Pangulo bilang bagong pinuno ng BuCor si General Gregorio Catapang Jr.

Si Catapang ay nagsilbing officer-in-charge lamang habang nakasuspinde si Bantag dahil sa mga kasong kinakaharap niya dulot na rin ng mga nadiskubre sa panahon ng kanyang panunungkulan sa BuCor.

Ang appointment paper ni Catapang ay pirmado ni Pangulong Marcos na may petsang Marso 23,2023.

Show comments