MANILA, Philippines — Sa panahon ngayon ng Internet, mas naging madali na ang pangangalap ng impormasyon. Isang click mo lamang sa computer, cellular phone, iPad, at iba pang uri ng gadgets ay malalaman mo na ang nais mong i-research.
Hindi lamang ang mga estudyante ang gumagamit ng internet sa pagsasaliksik. Lalo na ang mga guro, mga professionals, at maging ang media.
Sabi nga, i-goggle mo lang kung mayroon kang gustong malamang salita, pangyayari, balita, kahit pa ang pagkukuwenta ng mga numero o eksaktong araw ng isang partikular na petsa.
Para patunayan na numero uno ang Pilipino Star NGAYON na nagdiwang ng ika-37 anibersaryo noong Marso 17, siyempre ginagamit ko rin ang Internet.
Walang duda, kahit ang WIKIPEDIA na kalimitang ginagamit ng mga gustong magsaliksik ay nagpapatunay na ang PSN ang nangungunang tabloid newspaper sa buong bansa.
“Pilipino Star NGAYON, self-styled as Pilipino Star NGAYON and first known as Ang Pilipino Ngayon, is the leading tabloid newspaper of daily nationwide circulation in the Philippines. [1][2] it is written and published in Filipino the national language of the Philippines. The tabloid newspaper is owned and operated by the PhilStar Daily, Inc., under its subsidiary Pilipino Star NGAYON, Inc,” sabi ng Wikipedia.
Maliwanag ang sabi ng Wikipedia “leading tabloid newspaper.” Sa Tagalog, “nangunguna.”
Sabi pa sa Wikipedia, ang PSN din ang nanguna sa “innovation” ng mga tabloid newspaper sa industriya.
Ito ang kauna-unahang tabloid sa bansa na naglimbag “in full color” at unang tabloid sa Pilipinas na naramdaman sa internet.
“Pilipino Star NGAYON led the innovation in the tabloid newspaper industry in the Philippines. It is the first tabloid in the country to be published in full color and the first tabloid in the Philippines to establish a presence on the internet. [7].”
Hindi lahat ng diyaryo sa bansa ay nakapaglimbag ng kasing-kulay na diyaryo na katulad ng PSN.
Nagsimula bilang Ang Pilipino Ngayon, unang inilabas ang kopya ng diyaryo noong Marso, 1986 at naging ang Pilipino Star NGAYON noong mga unang bahagi ng ‘90s.
Ang motto ng PSN na “Diyaryong Disente ng Masang Intelihente” ang dahilan kung bakit ito ang pangunahing tinatangkilik ng mga estudyante at guro para mapagkunan ng balita.