MANILA, Philippines — Magiging panggulo lamang umano sa trabaho ng Ehekutibo at Lehislatura ang pagsusulong ng Charter Change o Cha-Cha.
Sinabi ni Sen. Imee Marcos, bagamat totoo na maraming dapat baguhin sa konstitusyon ay hindi naman ito ang dapat atupagin ngayon tulad ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Paliwanag ni Marcos, mas kailangan ngayong pagtuunan ng ehekutibo at lehislatura ang trabaho, inflation o bilis na pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo gayundin ang kakulangan sa pagkain.
Gayundin, dapat tutukan ang peace and order katulad ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at Aparri Cagayan Vice Gov. Rommel Alameda.
Siniguro naman ng senador na chairperson ng Senate Committee on Electoral Reform na magkakaroon ng panahon o tamang tiyempo sa pag-amyenda sa konstitusyon.
Sa ngayon tanging si Sen. Robin Padilla ang aktibong nagsusulong sa Senado ng Cha-cha.