^

Bansa

4 suspek sa Degamo slay, ‘kakanta na’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4 suspek sa Degamo slay, �kakanta na�
Ang mga suspek sa hazing at pawang miyembro ng Tau Gamma Phi na sina (mula kaliwa) Tung Cheng Teng-Leader ng Tau Gamma Phi Adamson Chapter; Earl Anthony Romero, Michael Lambert Ritalde, Jerome Balot, Mark Pedrosa, Sandro Victorino, at Daniel Perry nang dumalo sa Senate committee on justice hearing kaugnay sa pagkamatay ni Adamson student John Matthew Salilig.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng kahandaang magsalita at makipagtulungan ang apat na nadakip na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa.

Kahapon ay naibiyahe na patungong Maynila ang mga suspek at nakatakdang ipasok ng Department of Justice (DOJ) sa Witness Protection Program (WPP).

Unang dinala sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa sa mga suspek na nagpahayag ng intensyon na maging saksi ng ­gobyerno habang naiwan sa Philippine National Police (PNP) ang dalawa pa.

“However, early this afternoon, the remaining two respondents likewise expressed their intention to cooperate. Thus, the PNP and NBI have agreed to the turnover of the remaining two respondents,” ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano.

Nasa beripikasyon pa rin ang mga pahayag ng mga respondents habang hindi pa nakukumpirma ang tunay na motibo sa pagpaslang kay Governor Degamo at sa walo pa.

Kaugnay nito, sinampahan na ng tatlong bilang ng Murder at Frustrated Murder sa Tanjay, Negros Oriental Regional Trial Court ang mga suspek. Nagsampa rin ang pamahalaan ng hiwalay na kaso ng illegal possession of firearms, ammunitions, and explosives.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Joric Garido Labrador, Joven Calibjo Javier, Banjie Buladola Rodriguez, Osmundo Rojas Rivero at 12 pang hindi nakikilala.

Patuloy na nananawagan ang DOJ at DILG sa publiko na may impormasyong makakaresolba sa kaso na makipag-ugnayan sa kanila upang mapabilis ang paghahatid ng hustisya sa mga biktima.

Samantala, sinampahan kahapon ng kasong multiple murder ng PNP-Criminal Investigation Group sa DOJ si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at limang iba pa kaugnay ng mga umano’y patayang nangyari sa lalawigan noong 2019.

Batay sa reklamong ­inihain ng PNP-CIDG, sina Teves ay sinasangkot sa pamamaslang umano noong Marso 25, 2019 malapit sa Siliman Medical Center, sa Dumaguete City; Sitio Labugon, Brgy. Nago-alao, Basay, Negros Oriental, Mayo 26, 2019; at sa Brgy. Malabugas, Negros Oriental, Hunyo 23, 2019. - Doris Franche-Borja

vuukle comment

DOJ

WPP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with